Wednesday, April 29, 2015

Continuation from yesterday's

09:12  AM - Today, I will continue my stories from my previous post. Just checked nba.com, my Dallas Mavericks lost to the Rockets. Dirk is old and needs a successor. We'll just try again our luck next year.

09:53 AM - Nasan na nga ba ako kahapon, Ah! tungkol nga pala sa mga blessings and realizations ko sa buhay. Ayun, mahirap isalin sa salita ang mga nangyari sa buhay ko in a short period of time. Life changing ika nga, pero napagtanto ko na ito siguro yung right time, or mas bagay siguro God's time. Kase sa kanya naman nanggaling ng lahat ng to eh. Ano pa nga ba ang mga relevant at importanteng mga nangyari sa buhay ko? I had a freelance client in Wael, basic fashion sketches ang pinapagawa sakin, na naisisingit ko dito sa office. hindi ko magawa sa bahay dahil sa lintik na laptop ko, napakabagal ultimo magpatugtog ako sa media player nagha-hang. Sana hindi hardware ang sira nun, kase malamang papalitan ko yun. Speaking of laptop, balak ko rin bumili ng macbook, pero sa amin na ni Ara yun. Share muna for the meantime, kase may priorities na kaming dalawa :)

10:02 AM - We had a good time during our yesterday's shoot at WTC (across WTC talaga sya, hindi ko lang alam pangalan ng bldg.) Daming pagkain, sobrang dami pati ung mga bisita suko na din. Pero ako dedma ako sa mga yan, ang pinuntirya ko kase ay ung mga fruits. Raspberries, Blackberries at Blueberries lang halos ang dinner ko at isang lamb chop! paborito ko kase yun eh. Mabait nga kausap kahapon ung mga kupal kong mga katrabaho. namely si Armand at Mahroz, hindi ko na ieelaborate ang kakupalan nila.

12:13 PM - Doing random stuff, daming kong kelangan gawin pero dahil alam kong hindi urgent naguubos ako ng oras. isa sa mga bad habits ko, pero nabago ko na rin ng konti. dati mauubos oras ko kaka-browse lang sa internet, ngayon may ginagawa na akong somewhat relevant na bagay, tulad nitong magsulat ng post, o kaya ay gumawa ng sideline, o kaya naman tumapos ng personal artworks.

12:20 PM - I am starting a project for Bocaue, I have started actually, It is REBRANDING Bocaue. Madalas nagbbrainstorming ako magisa habang gumagawa ng trabaho or naghahanap ng inspiration. Sa ngayon, logo pa lang ang pinupulido ko, giving it a modern look but same traditional design elements. Tingin ko kase mahirap kumbinsihin ang mga conservatives na maging full modern or pop feel. Once na magustuhan ng mga taga-Bocaue, not particularly ng mga nakaupo. Ibibigay ko to ng libre, walang royalty royalty. Balak ko din maging anonymous sa pagpe-present ng aking proposal. Sana matapos ko itong project ko bago ako magbakasyon sa August 20.

03:03 PM - Lunch namin ay pancit! Luto ni Chef Angelo.

03:05 PM - I need to list down my visual ideas for my Project, but before that I will name it "The REBOC PROJECT". I thought to create a logo for each baranggay, but before that I need to know the origins of each baranggay which will be difficult because there a a very few or limited information on the internet. Another one is, to think of an official sports name for Bocaue, and logo to go along with it. How about, Bocaue Firestarters? Bocaue Blast?! Bocaue Sparklers? Bocaue Bursts!!! panalo yung huli, pero syempre ideas pa lang yan, kelangan ko pa rin magisip ng babagay sa logo. Another is an official logo for the Pagoda Festival. For decades, the Pagoda Festival has no official logo! akalain nyo yun?? palagi na lang ang ginagamit ay cheap fonts, pinagtagpi tagping mga pictures, clashing colors magmula sa main image ng pagoda, sa fonts at background. at syempre ang mga mukha ng mga EPAL, na madalas mas malaki at high-res pa kesa sa picture ng pagoda. EPAL Festival na lang sana cinelabrate natin.

03:31 PM - I'm really hoping the people of Bocaue will like this project and implement it. Another purpose of this project is to uplift the dying spirits of our town. For a long time now, we are classified as a first class town which means we are developed, a major player and has good/stable economy. BUT the sad truth is we have been deteriorating politically, morally, socially, economically or in other words in all aspects. Like what I always say, I will never lose hope in my people, my country.

04:54 PM -WALA.

05:17 PM - Hopefully I can have enough free time again tomorrow. Babayuu! END.

Tuesday, April 28, 2015

Sudden post

03:51 PM - It's been a while since I last updated this blog. I think this is my first ever post for 2015.

03:54 PM - 2015 has been a great year for me, On top of the list is of course is we received the greatest blessings from God. We are having a child, to be honest it is not YET part of the plan. Dahil ako ay nagpropose last February 2014, meron kaming mahabang time para sa preparation ng aming kasal. Everything is doing fine, napareserve namin ang Paco Church, tapos pati na rin ung Garden sa Paco Park para maging reception. Nakapagdown payment na din kami sa Photography coverage, habang kami ay gumagawa na ng mood boards at naghahanap ng gagawa ng gown doon namin nalaman ang good news! :)

04:01 PM - Ang unang una naming sinabihan ay si ate Joy, siya kase ang closest family namin dito (geographically speaking). Sunod naming sinabihan ay ang aming mga magulang :), nakakakaba at nakakatuwa at nakakahiya (sa parents ni Ara). Mixed feelings, pero kelangan namin harapin at tanggapin ng maluwag. Honestly speaking, weird sa feeling na may baby na kami pero nasasapawan siya ng kaligayaan. Tapos parang dito nagkaron ako ng maraming realizations sa buhay, hindi lang basta basta simpleng realizations, mas naging clear at nagkaron ng direksyon, ng purpose ang buhay. Feeling ko ang lalim lalim ng iniisip ko, naappreciate ko ang mga simpleng bagay ang pamilya namin, ang mga relatives namin, ang mga kaibigan. Ang hirap i-explain ng mga tumatakbo sa utak ko nun, parang medyo nawawala pa ako.

04:11 - Bukas ko na itutuloy. May Photoshoot kami sa may World Trade Center. END